Ang Masining na Patutunguhan ng mga Lehitimong Teatro ng Repertory Philippines at Philippine Educational Theater Association: Isang Kumparatibong Pag-aaral

Alba, Mary Jane B. (1999) Ang Masining na Patutunguhan ng mga Lehitimong Teatro ng Repertory Philippines at Philippine Educational Theater Association: Isang Kumparatibong Pag-aaral. Diploma thesis, De La Salle University.

Full text not available from this repository.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa teatro bilang isang anyong sining. Ang paksang mga grupong dulaan ay ang Repertory Philippines (Rep) at Philippine Educational Theater Association (PETA) na masusing pinag-aralan sa paraang pakikipagpanayam sa mga artistik na direktor nito at sa pag-alam ng tema ng mga dulaang panahon upang ipakita ang kahalagahan, mga sanhi at manipestasyon ng pagkakatatag ng kanilang masining na patutunguhan. Malinaw na ipinahahayag ng mga teatrong ito ang kanilang mga paniniwala at hangarin na hinubog ng mga pwersang panlipunan. Ang mga ito ay ang naging basehan ng pagkakaroon ng masining na patutunguhan. Nang matagumpay na nalaman ang tiyak na pagpapakilala ng mga teatrong ito ay nagkaroon ng pag-aanalisa base sa teoryang pang-literaturang Marxismo. Sa teoryang ito ay may dalawang paraang kritisismo na magagamit sa pag-analisa sa konsepto ng mga teatrong Repertory at PETA. Ang Repertory ay isang teatrong actor-oriented na nagbibigay ng trabahong oportunidad para sa may mga talentong aktor. Sa pagpapakilalang ito ay kalakip ang kanilang pangunahing hangaring bigyang halaga ang mga manonood sa paraang paghahatid ng lubos na kaaliwan. Ang konseptong ito ay may maka-materyal na estetika ayon sa Marixsmong paraang pang-literaturang kritisismo. Sa madaling salita, ang konsepto ng Repertory ay maka-masa. Ang kaaliwang hatid ng Repertory ay abot-kaya lamang sa lebel ng masa. Ang PETA ay isang teatrong nagpapalaganap ng wikang Filipino, kamulatang sosyal at kulturang atin sa galaw ng lipunang Pilipino. Kalimitan sa mga dula nito na nasa dulaang panahon ay tungkol sa nasyonalismo, demokrasya at kasaysayan para sa layuning magpukaw ng damdaming makabansa sa mga manonood. Dahil sa konseptong ito ay mapagpapasiyahang ang PETA ay may abstrak na egalitarianismo o maka-elitismo. Ito ay dahil matayog ang hatid nitong kaisipan na mas mauunawaan ng mga indibidwal na may mataas na akademikong naabot.

Item Type: Thesis (Diploma)
Uncontrolled Keywords: PETA, Repertory Philippines, theatre, theatre criticism
Depositing User: Repo Admin
Date Deposited: 12 May 2017 14:37
Last Modified: 12 May 2017 14:37
URI: http://philippineperformance-repository.upd.edu.ph/id/eprint/557

Actions (login required)

View Item View Item